Sa Twitter, sinabi ng alkalde na ito ay matapos umabot sa 502 ang active COVID-19 cases sa lungsod.
Sinabi aniya ng Department of Health o DOH na 2,500:1 ang ideal ratio ng populasyon sa isolation bed.
Sa Navotas, mayroon aniyang 250,000 residente kung kayat ang requirement ay 100 beds na total capacity ng community isolation facilities.
“210 ang pinagsamang bed capacity ng Navotas National High School (NNHS) na may 100 beds at Navotas Polytechnic College (NPC) na may 110 beds. Doble sa requirement ng DOH ang kapasidad ng ating isolation bed,” pahayag ni Tiangco.
“May hangganan ang kapasidad ng ating mga pasilidad pati na ng ating mga frontliner. Kaya naman ang mga bago po nating pasyente ay kailangan ng ipadala sa ibang isolation facility sa labas ng Navotas,” dagdag pa ng alkalde.
Tiniyak naman ni Tiangco na maaalagaan nang mabuti ang mga pasyente dahil mga doktor at health workers ang nag-aasikaso.