Magnitude 3.9 na lindol, tumama sa Batangas

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang Batangas, Linggo ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 22 kilometers Northwest ng Nasugbu bandang 2:45 ng hapon.

200 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa Nasugbu at iba pang karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...