178 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Singapore

Halos 200 ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 178 na kaso hanggang 12:00, Linggo ng tanghali (July 12).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are one case in the community, who is a Singaporean,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Maliban dito, mayroon ding imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 45,961 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...