Pangungunahan ng student leaders at members of the academe mula sa iba’t ibang eskwelahan ang malawakang pagkilos, na layong iginiit ang pagharang sa pagtataas ng matrikula.
Ipipilit din ng Kabataan Partylist ang Free Public Education kasabay ng isang press conference sa UP Diliman, Quezon City bago ang pagsasagawa ng nationwide protest.
Ala 1:00 ng hapon naman, magtitipon-tipon ang mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa Gate 2 ng University of Santo Tomas sa España, Maynila at magmamartsa patungong Mendiola para ihayag ang student demands.
Isang effigy ni Pangulong Benigno Aquino III na may nakalagay na “TUITION HIKE KING” ang susunugin bilang pagkondena sa patuloy pa ring tuition hike na dagdag pasakit anila sa mga magulang at mga estudyante.
Magkakaroon din ng simultaneous protest sa Baguio City, Pampanga, Davao City, Iloilo City, General Santos City, at Los Banos, Laguna.