14 na panibagong kaso ng sexually transmitted Zika, iniimbestigahan sa US

Zika virusSinisiyasat ngayon ang 14 na suspected cases ng sexually transmitted Zika sa Estados Unidos.

Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, may 14 na napaulat na sexual transmission ng Zika at kabilang sa mga pasyente ang ilang buntis.

Iniimbestigahan na ngayon ng CDC ang nasabing mga kaso at magsasagawa ito ng pagsusuri sa ‘partners’ ng mga dinapuan ng sakit.

Bagaman hindi pa lubusang napatutunayan, dahil sa nasabing report, muli namang iginiit ng CDC ang paggamit ng condoms sa pakikipagtalik para maiwasan ang pagdami pa ng kaso ng Zika.

Dalawa sa hinihinalang kaso ay natuklasan sa dalawang babae na nakipagtalik sa kanilang male partner na nagbiyahe sa lugar kung saan mayroong kaso ng Zika.

Sa kabila ng mga napapaulat na kaso ng sexually transmitted Zika, kagat pa rin ng lamok ang nananatiling pangunahing dahilan ng paglaganap ng sakit.

 

Read more...