Mga Filipino sa abroad, na nagpositibo sa COVID-19, 8,804 na – DFA

Nagkaroon pa ng bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 11, umakyat na sa 8,804 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 64 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,944 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

5,266 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, 594 na ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,379 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,047 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 699 naman ang kaso sa Americas at 679 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...