Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 4,311 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Sabado ng umaga (July 11).
Sa nasabing bilang, 4,236 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.
4,204 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,564 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
2,384 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 256 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 3,068 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES