Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 562,888 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 136,671.
Sumunod na rito ang Brazil na may 70,524 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 44,650 naman ang death toll sa United Kingdom habang 34,938 ang napaulat na nasawi sa Italy.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 34,191
– France – 30,004
– Spain – 28,403
– India – 22,144
– Iran – 12,447
– Peru – 11,500
– Russia – 11,017
– Belgium – 9,781
– Germany – 9,130
– Canada – 8,759
– Chile – 6,781
– Netherlands – 6,136
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 12,630,872 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 7,366,488 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.