Nagpositibo sa COVID-19 ang isang security staff ng Kamara.
Kinumpirma ito mismo ni House Secretary-General Jose Luis Montales.
Aniya, ang nagpositibong security staff ay naka-assign sa opisina at barracks ng Legislative Security Bureau.
Huli aniya itong pumasok sa trabaho noong July 6.
Sa ngayon, sinabi ni Montales na nakasailalim na sa home quarantine ang security staff.
Nagsasagawa na rin aniya ng contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES