Magnitude 3.2 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Jose Abad Santos, Davao Occidental Sabado ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 113 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 10:46 ng umaga.

27 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa nasabing bayan ang lindol.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...