Isa pang empleyado ng Kamara nagpositibo sa COVID-19

Isa na namang empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ito ni House secretary general Jose Luis Montales.

Ayon kay Montales ang pasyente ay miyembro ng security staff na naka-assign sa opisina at barracks ng Legislative Security Bureau.

Dahil sa bagong kaso, 13 na ngayon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Kamara.

Huling pumasok sa trabaho ang pasyente noong July 6.

Kasalukuyan na itong nakasailalim sa home quarantine.

 

 

 

 

 

Read more...