Mga menor de edad huling naglalaro sa computer shop sa Antipolo; establisyimento ipinasara

Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City ang isang computer shop sa Brgy. San Isidro.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andrea Ynares, hindi pa pinapayagan ang pagbubukas ng mga computer shop sa ilalim ng pag-iral ng general community quarantine.

Pero nang magsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Business Permit and Licensing Office, nahuling bukas at nag-ooperate ang Kevin and Nicole Computer Shop.

At maliban sa bukas ito, puno pa ito ng menor de edad.

Kinansela na rin ang business permit ng nasabing establisyimento.

 

 

Read more...