Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City 601 na

Dalawampu’t isa pang bagong kaso ng COVID-19, napaulat sa Muntinlupa City

Nasa 601 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang alas 6:00 Biyernes ng gabi (July 10), sa nasabing bilang ay 221 ang aktibong kaso.

384 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 219 ang suspected cases.

Samantala, 335 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 45 naman ang nasawi.

Pinakamaraming kaso ay sa Brgy. Putatan na umabot na sa 114.

 

 

Read more...