Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 435

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM Biyernes, July 10) pumalo na sa 435 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan 14 ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 133 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 32.

Nasa 270 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit kung saan 9 ang bagong nadagdag.

 

 

Read more...