Pag-angkas sa motorsiklo bawal pa rin sa Valenzuela City

Ipinagbabawal pa rin ang pag-aangkas sa motorsiklo sa Valenzuela City.

Ayonsa abiso ng Valenzuela City Local Government, ito ay hangga’t wala pang nailalabas na malinaw na panuntunan hinggil dito.

Humingi na ang City Government ng guidelines sa pamamagitan ng DILG-Valenzuela para epektibong maipatupad ang pag-aangkas.

Agad maglalabas ng anunso ang lokal na pamahalaan sa sandaling makakuha na ng kopya ng guidelines.

Paalala ng Valenzuela City LGU, patuloy pa rin ang panghuhuli ng kanilang Traffic Management Division habang wala pang panuntunan.

 

 

Read more...