Sa kanyang sulat kay task force Chairman Delfin Lorenzana, ipinaliwanag ni Revilla na maaring makaapekto sa balanse ng motorsiklo ang barrier.
Giit ng senador, na isang motorcycle rider, napakahalaga ng balanse sa pag-disenyo, pagbuo at pagsakay sa motorsiklo.
Dagdag pa nito mas mataas ang tsansa ng aksidente dahil sa barrier at maaring mas makapagdulot ito ng pinsala sa rider at pasahero.
Bilang alternatibo, ayon kay Revilla, magsuot na lang ang rider at backrider ng masks, gloves at full face helmets o face shield bilang proteksyon sa pagkahawa ng sakit.
Katuwiran naman nito, ang tanging papayagan lang naman na magka-angkas ay mag-asawa o ang mga magkakasama sa iisang bahay.