Sa kaniyang pahayag, sinabi ni ABS-CBN President at CEO Karlo Katigbak, na labis silang nasaktan sa desisyon ng komite sa Kamara na hindi bigyan ng panibagong prangkisa ang network.
Sa kabila nito sinabi ni Katigbak na nagpapasalamat sila sa Kamara dahil nabigyan sila ng pagkakataon na linawin at sagutin ang mga akusasyon laban sa kanila.
Ayon kay Katigbak, batid nilang nakapagbigay sila ng serbisyong makabuluhan sa mga Filipino.
Umaasa umano silang muling makakasama ang sambayanan.
Nagpasalamat din ang network sa mga sponsor na patuloy na nanindigan at sumuporta.
Gayundin sa mga mambabatas na nagsalita para sa ABS-CBN sa mga nagdaang pagdinig.