BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa bansa mahigit 52,000 na; 42 nadagdag sa bilang ng mga nasawi

Nadagdagan nang mahigit 1,200 pa ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa pinakahuling datos mula sa DOH hanggang July 10 ng hapon, umabot na sa 52,914 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos 1,233 pa ang nadagdag na mga kaso.

Sa nasabing bilang, 848 ang “fresh cases” habang 385 naman ang “late cases.”

Malaking bilang ng “fresh cases” o 405 ay sa NCR, 30 ang mula sa Region 7 at 413 sa iba pang rehiyon.

Makaraang walang maitalang nasawi kahapon, 42 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi sa COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, 1,360 na ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, mayroong 286 pa ang gumaling sa sakit.

Kayaumakyat na sa 13,230 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

 

 

Read more...