100,000 contact tracers target ng DILG hanggang sa katapusan ng buwan

Kukuha ng hanggang 100,000 contact tracers ang Department of the Interior and Local Government (DILG) hanggang sa katapusan ng buwan ng Hulyo.

Sa televised briefing, sinabi ni DILG spokesperson undersecretary Jonathan Malaya sa ngayon mayroong 50,000 contact tracers sa buong bansa na nagsasagawa ng tracking sa lahat ng close contacts ng mga nagpositio sa COVID-19.

Araw-araw aniyang nadaragdagan ang bilang ng mga contact tracer.

Sinabi ni Malaya na hinihintay lang ng DILG ang pondo para makapag-hire ng dagdag na 50,000 contact tracers.

 

 

Read more...