General Luna, Surigao del Norte muling niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 34 kilometers southeast ng bayan ng General Luna, alas-2:31 hapon ng Biyernes (July 10).

May lalim na 19 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

xcerpt:

Read more...