Metro Manila, ilang lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Metro Manila at ilang lalawigan.

Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 12:43 ng tanghali ng Biyernes, July 10 ang Metro Manila at Tarlac ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Sa Pablo, Laguna; Mauban, Pagbilao, Atimonan, at Tayabas sa Quezon; Naic at Maragondon sa Cavite; San Jose at Ibaan sa Batangas; Santa Cruz, Candelaria at Masinloc sa Zambales.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng flashflood.

Maari ding magdulot ng landslide sa mga bulubunduking lugar ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.

 

 

Read more...