BJMP binati ni Pang. Duterte sa ika-29 na anibersaryo; suporta sa mga bilangguan ngayong may COVID-19 pandemic tiniyak

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Jail Management (BJMP) ang suporta ng administrasyon sa mga bilangguan sa bansa ngayong mayroong pandemic ng COVID-19.

Sa kaniyang video message binati ng pangulo ang BJMP sa pagdiriwang nito ngayong araw ng ika-29 na anibersaryo.

Pinuri ng pangulo ang BJMP sa pagbabantay sa mga persons deprived of liberty.

“To the men and women of the Bureau of Jail Management, congratulations on your 29th anniversary. I am pleased that over the years, the BJMP has effectively performed its mandate of ensuring the efficient and humane safekeeping and development of persons deprived of liberty,” ayon sa pangulo.

Ayon sa pangulo, bagaman mahirap, maraming hamon at limitado ang resources ay nagagampanan ng BJMP ang tungkulin nito.

Ayon sa pangulo ngayong may krisis na kinakaharap ang bansa, makatitiyak ang BJMP na kaisa nito ang pamahalaan sa pagtityak ng kaligtasan ng mga tauhan ng BJMP at mga PDLs.

Dahil sa COVID-19 pandemic umabot na sa mahigit 15,000 preso ang napalaya ng BJMP.

Ito ay para mabawasan ang pagsisiksikan sa mga bilangguan.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government, karamihan sa mga pinalaya ay mga senior citizens and at ang mga may magagaan lamang at “bailable” na kaso.

 

 

Read more...