Baguio City Mayor Magalong nagbabala sa mga tour agency na tumatanggap na ng reservations

Binalaan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga tour agency sa lungsod na tumatanggap na ng reservation sa kabila ng umiiral pa na quarantine restrictions.

Ayon kay Magalong, nananatiling sarado sa mga turista ang Baguio City at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang anumang uri ng leisure activities dahil sa COVID-19.

Kung may mahuhuli aniyang lalabag sa local government restrictions ay tiyak na papatawan ng parusa.

Paalala ni Magalong pwedeng makasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 11469 (Bayanihan to Heal as One Act) ang mga tumatanggap na ng reservation para sa mga turista.

Pwede rin silang maharap sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code of the Philippines.

Ang Baguio City ay mayroong 50 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Dalawa sa pinakabagong kaso ay isang 58-anyos na lalaki mula sa Brgy. Bakakeng Norte at isang 22-anyos na babae mula sa Loakan Liwanag.

 

 

Read more...