I-boycott si Madonna!-Obispo

madonnaKung may mga natutuwa sa pagtungo sa bansa ng Queen of Pop na si Madonna, may ilan namang hindi.

Isa na si Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa mga dismayado sa pagsasagawa ng concert ni Madonna dito sa bansa ngayong araw at bukas.

Ayon kay Arguelles, hindi dapat kinukunsinti ang ‘bulgar’ na istilo ng pamumuhay ng ‘Material Girl at hindi ito dapat tinutularan lalo na ng mga kabataan.

Hindi dapat aniya nagpapalinlang ang publiko sa gawa ng ‘kasamaan’ o ‘evil’.

Pinuna rin ni Bishop Arguelles ang negatibong impluwensya ng ‘western culture’ sa mga mamamayan sa Asya tulad ng Pilipinas.

Giit pa ng Arsobispo, pagpapakita ng kawalan ng paggalang ang paggamit ng pangalang ‘Madonna’ dahil mistula nitong inaalipusta ang pangalan ng ina ni Hesukristo na si Maria.

Kinastigo rin ni Arguelles ang pagsasagawa ng concert ni Madonna sa SM Mall of Asia na siyang lugar din kung saan nakipagkita si Pope Francis sa mga pamilyang Pilipino nang magtungo ito sa bansa noong nakaraang taon.

Apat na taon na ang nakalilipas, binatikos din ni Arguelles ang concert ni ‘Lady Gaga’at nanawagan pa ng iboybott ito ng publiko.

Read more...