‘Mosquito’ media noong Marcos regime, kinilala

 

Alexis Corpuz/Inquirer

Binigyang-pugay sa isang seremonya ang mga tinaguriang miyembro ng ‘mosquito press’ na nagsilbing tinik noon sa rehimeng Marcos.

Kabilang sa mga nabigyan ng ‘good citizenship award’ ng Spirit of EDSA foundation sina Eugenia Duran-Apostol, ang namayapang editor inchief ng Philippine Daily Inquirer Letty Jimenez-Magsanoc at Jose G. Burgos Jr.

Ang tatlo ay kinilala sa kanilang naging kontribyusyon san a mapanumbalik ang demokrasya noong 1986 EDSA People Power Revolution.

Malugod na tinanggap ni Dr. Carlitos Magsanoc, anak na si Kara ang pagkilala para sa namayapang si LJM.

Bukod sa tatlo, 20 pang mga freedom fighters ang ginawaran ng good citizenship awards ng SOEF dahil sa pagiging mga freedom fighters at pagbibigay serbisyo sa taumbayan.

Ang mga ito ayon sa SOEF ang nagpasimuno ng pag-iingay sa pamamagitan ng pamamahayag kaya’t lumakas ang loob ng mga Pilipino na ipaglaban ang kalayaan laban sa diktaturya may 30 taon na ang nakalilipas.

Bukod kina Magsanoc na ginawaran ng posthumous award, naroon din sa seremonya ang iba pang awardees na sina dating President Fidel V. Ramos, dating Senador na sina Heherson Alvarez at Aquilino Pimentel Sr; dating Tarlac Rep. Jose “Peping” Cojuangco, National Movement for Free Elections founder Jose Concepcion Jr; dating Commission on Elections Chair Christian Monsod at retired Air Force commanding general Antonio Sotelo.

Read more...