Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 186.80 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (July 10) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 187.04 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.34 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 99.95 habang bahagyang nadagdagan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.85 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.77 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, Binga, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng San Roque dam.

 

 

Read more...