Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 247 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 11,396 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 6,373 ang aktibong kaso at mayroong 501 na nasawi.
Nakapagtala naman ng mataas na bilang ng recoveries na umabot na sa 674 dahilan para umabot na sa 4,522 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 7,175 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 1,849
Mandaue City – 1,179
Lapu-Lapu City – 1,086
Negros Oriental – 61
Bohol – 46
Siquior – 0