Mahigit 750 na Pinoy nakauwi sa bansa kahapon

Mayroon 759 pang Overseas Filipinos ang nakauwi sa bansa kahapon, July 9.

Sa nasabing bilang, 340 ang dumating sa bansa na pawang galing sa UAE lulan ng special flight ng Philippine Airlines.

Mayroon ding 96 na galing naman ng Bahrain ang dumating din kahapon lulan ng special commercial flight.

At 323 pang Pinoy galing naman ng Qatar.

Ito na ang ikatlong chartered flight ng pamahalaan galing Qatar para maiuwi ang mga stranded na Pinoy doon.

Sumailalim sa swab test ang lahat ng bagong uwing OFWs at sasailaim sila sa quarantine habang hinihintay ang resulta ng test.

 

 

 

Read more...