Warehouse sa Antipolo nasunog

Tinupok ng apoy ang isang warehouse sa Brgy. Inarawan sa Antipolo City.

Nagsimula ang sunog sa bahagi Cartal Compound, Sitio Maagay alas 9:25 ng gabi ng Huwebes, July 9.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog at naapula ala 1:23 na ng madaling araw ngayong Biyernes, July 10.

Wala namang iba pang nadamay sa sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

 

 

Read more...