Loreto, Dinagat Islands niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Dinagat Islands.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 21 kilometers northwest ng bayan ng Loreto, alas-2:51 madaling araw ng Biyernes (July 10).

May lalim na 108 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Mary Rose Cabrales

Excerpt: Naitala ang pagyanig alas-2:51 ng madaling araw.

ng araw.

 

Read more...