Kaso ng COVID-19 sa Bicol, tumaas pa

Nakapagtala ng 10 pang kaso ng COVID-19 sa Bicol region, ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol.

Ayon sa DOH CHD-Bicol, ang mga bagong COVID-19 patient ay residente ng mga sumusunod na lugar:
– Mandaon, Masbate – 2
– Naga City – 7
– Virac, Catanduanew- 1

Sinabi ng DOH CHD-Bicol na nakasailalim na ang pasyente sa quarantine facility.

Dahil dito, umabot na sa 208 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region.

Sa nasabing bilang, 117 ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

85 ang nakasailalim sa quarantine at 32 ang naka-admit.

Nasa 85 naman ang naka-recover habang anim ang nasawi.

Read more...