15 pang kaso ng COVID-19, napaulat sa Western Visayas

Nagpositibo ang 15 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang July 9, umakyat na sa 427 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

257 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Ang mga bagong kaso ay locally stranded individuals.

Nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.

Anim naman ang bagong gumaling sa Western Visayas.

Dahil dito, umakyat na sa 159 ang total recoveries sa Western Visayas.

Nananatili pa rin sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...