Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa 3,458

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (July 9, 3:00 PM) nakapagtala ng 128 na bagong kaso kaya pumalo na sa 3,458 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 837
Laguna – 1,139
Batangas – 409
Rizal – 881
Quezon – 192

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 1,705.

Nasa 1,530 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 11 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 258
Laguna – 507
Batangas – 22p
Rizal – 406
Quezon – 139

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng tatlo kaya ito ay umabot na sa 223.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 48
Laguna – 50
Batangas – 33
Rizal – 80
Quezon – 12

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...