Publiko pinaghi-hinay sa pagbibigay ng espekulasyon sa kalalabasan ng prangkisa ng ABS-CBN

Hinimok ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang publiko na maging sila man ay pro o anti sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN ang mga espekulasyon.

Sa joint hearing ng House Committee on Legislative Franchises at House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Cayetano na walang mangyayari kung magsisiraan at magpapakalat ng kasinungalingan.

Sabi ni Cayetano, magpapalala lamang sa sitwasyon.

Sumagot din ang lider ng Kamara sa mga bumabatikos sa kanila na mas inuna pa ang prangkisa ng giant network kaysa sa mas mahahalagang usapain.

Inisa-isa ni Cayetano ang mga panukala na ipinasa ng Mababang Kapulungan para sa paglaban sa COVID-19 tulad ng Bayanihan to Heal as One Act, ARISE Bill at iba pa.

Sa katunayan aniya ay ilang beses na nabinbin ang pagdinig sa ABS-CBN franchise dahil sa mga kinakailangang aprubahang panukala para paigtingin ang efforts ng gobyerno laban sa pandemya.

Sa huli ay sinabi ni Cayetano na kuntento siya sa kinalabasan ng pagdinig at kumpyansang sapat na ito para pagbasehan ng magiging desisyon sa prangkisa ng giant network.

Samantala, umaasa naman si Majority Leader Martin Romualdez sa patas na desisyon ng mga kongresista at gawing batayan ang mga “facts” na iprinisenta at hindi ang mga haka-haka.

Nanawagan naman si Romualdez sa publiko na igalang ang anumang kalalabasang judgment o pagpapasya ng mga kongresista kaugnay sa ABS-CBN franchise.

Read more...