Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, umabot na sa 421

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Huwebes, July 9) pumalo na sa 421 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan 17 ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 128 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 32.

Nasa 261 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit kung saan siyam ang bagong nadagdag.

Read more...