Pacquiao, kinakausap na ng ibang kumpanya para sa sponsorship deal

 

Inquirer file photo

Nakikipapagnegosasyon na si pambansang kamao Manny Pacquiao sa iba pang mga sports apparel companies matapos itong ilaglag ng kumpanyang Nike kamakailan.

Ang pagkalas ng Nike kay Pacquiao ay makalipas ang kontrobersyal na pahayag nito sa isyu ng same-sex marriage na ikinairita ng LGBT community.

Ayon kay Eric Pineda, business manager ni Pacquiao, may nagaganap nang negosasyon sa ilang mga kumpanya sa kasalukuyan.

Gayunman, tumanggi muna si Pineda na tukuyan kung anong kumpanya ito.

Kabilang sa kanilang nakausap aniya ay isang multi-milyong dolyar na brand ng sports apparel na papalit sa Nike bilang supplier ng sports gear ni Pacquiao.

Nilinaw din nito na bukod sa Nike, wala nang iba pang mga kumpanya ang kumalas sa pambansang kamao.

Wala ring lokal na kumpanya ang bumitiw kay Pacquiao bilang commercial endorser sa kabila ng mga pangyayari ukol sa pahayag nito kamakailan.

Read more...