Inanunsyo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na sasama siya sa gaganaping Pride parade sa Toronto.
Dahil dito, si Trudeau ang magiging kauna-unahang pinuno ng Canada na makikisali sa taunang parada na ipinagdiriwang ang diversity ng Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgenders (LGBT) community.
Ipinost niya sa kaniyang social media accounts ang litrato kung saan makikita si Trudeau na naka-ngiti at bumuo pa ng hugis puso gamit ang kaniyang mga kamay.
“Very much looking forward to being there again, this time as PM. #PrideTO,” nakalagay sa caption.
Gaganapin ang isa sa pinakamalalaking pride parades sa mundo sa July 3.
Bukod kay Trudeau, dadalo rin ang iba pang Canadian officials tulad nina Finance Minister Bill Morneau, Ontario Premier Kathleen Wynne at Toronto Mayor John Tory.
Inaasahan ring sasalo ang mga gay Syrian refugees sa mga aktibidad na gagawin sa Toronto’s Pride month.
Si Trudeau ay isang kilalang taga-sulong ng LGBT rights, at palagi rin diyang pumupunta sa mga Pride parades sa Montreal, Toronto at Vancouver kahit pa noong siya’y premier at pinuno pa lamang ng Liberal Party.