Isa pang kaso ng COVID-19, naitala sa Baguio City

Nagpositibo sa COVID-19 ang isa pang residente sa Baguio City.

Ayon sa Baguio City Public Information Office, tinamaan ng nakakahawang sakit ang 25-anyos na babaeng nagtatrabaho sa isang mall.

Nakatira ang pasyente sa Barangay Upper Quezon Hill.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, nakararanas ng sintomas ng nakakahawang sakit ang pasyente.

Sumailalim na ang pasyente sa swab test sa Baguio General Hospital and Medical Center.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng contact tracing, quarantine, disinfection at medical protocols.

Read more...