Palasyo, pinakakalma ang publiko ukol sa Bubonic plague

Pinakakalma ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko sa sakit mula China na Bubonic plague.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, siniseryoso ng pamahalaan ang naturang sakit.

Selyado pa rin naman aniya ang borders ng Pilipinas dahil sa travel restrictions na ipinatutupad naman dahil sa COVID-19.

“Sineseryoso po natin ‘yan. Pero huwag po kayong mabahala dahil ang pagpasok naman ng mga dayuhan sa Pilipinas ay hindi pa po pinapayagan ng malawakan, case to case basis lang po. So sarado pa po ang ating mga borders bagamat pwedeng magrequest on an individual basis yung mga meron valid na dahilan para pumunta ng Pilipinas. So sarado pa po ang ating mga borders at wala po tayong dapat ikabahala,” pahayag ni Roque.

Ang Bubonic plague ay isang klase ng impeksyon sa lymphatic system dulot ng bacterium Yersinia pestis.

Naipapasa ang bacterium sa pamamagitan ng flea bites at infected animals.

Ilan sa mga sintomas ng sakit ang lagnat, ubo, chills at masakit na lymph nodes.

Read more...