Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa naturang bilang, 19 ang nasawi dahil sa COVID-19 habang ang 25 ay namatay dahil sa natural cause.
Darating aniya ang mga labi bukas ng umaga sa Villamore Airbase sa Pasay City.
Humirit na aniya ang pamahalaan ng Pilipinas sa Saudi Arabia na palawigin pa ang itinakdang panahon ng pagpapauwi sa mga nasawing OFW.
Sa Lunes July 13, 44 na bangkay pa ang maiuuwi sa bansa at masusundan panito hanggang sa makumpleto ang pagpapauwi sa mga labi.
Ayon kay Bello, bilang protocol, agad na idideretso sa crematorium ang mga nasawi dahil sa COVID-19 para sa cremation.
Ayon kay Bello, ang mga namatay naman sa natural causes ay pwedeng makuha ng kanilang mga kaanak para mai-cremate o mailibing sa loob ng 24 na oras.
Umaapela naman si Bello sa mga kaanak ng iba pang namatay na mga OFW na maghintay lamang dahil gagawin ng pamahalaan ang lahat ng pamamaraan na maiuwi sila sa lalong madaling panahon.