Operasyon sa main office ng PCSO sa Mandaluyong suspendido mula ngayong araw

Sinuspinde simula ngayong araw ang operasyon sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Shaw Blvd., sa Mandaluyong City.

Ito ay para maisailalim sa disinfection ang buong pasilidad.

Ayon sa abiso ng PCSO, bahagi ito ng precautionary measure laban sa COVID-19.

Magbabalik ang regular na operasyon ng tanggapan sa Lunes, July 13.

 

 

 

Read more...