Ilang lalawigan sa Southern at Central Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Base sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 12:11 ng tanghali ng Huwebes, July 9, ang mga lalawigan ng Zambales, Quezon, Bulacan, Nueva Ecija at Laguna at makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng bagbaha.

Ang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslide sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...