Aniya kapag nangyari ito mapapabilis na ang paghahanap sa mga posibleng may taglay ng nakakamatay na virus at kasabay nito ay mabibigyan pa ng trabaho ang mga kabataan.
Una nang inaunsiyo ng DOH, ayon sa senador, ang pangangailangan para sa 94,000 contact tracers ngunit base sa datos na nagmula sa Office of the President mayroon lamang 54,183 contact tracers sa buong bansa.
Bagaman kailangan ay may nalalaman sa medisina o kalusugan ang contact tracer, sinabi ni Gatchalian na maari naman sanayin ang K- 12 graduates tulad aniya sa US na kumuha ng contact tracers na hindi naman college graduates.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority, umakyat noong nakaraang Abril sa 25.3 percent ang mga walang trabahong kabataan mula sa 16.9 percent noong lang January.
Sinabi na rin ng International Labor Organization ang testing and tracing ay maaring maibigay na trabaho sa mas batang populasyon na apektado ng pandemiya.