QC Mayor’s Office isinailalim sa disinfection

Isinailalim na sa disinfection ang mayor’s office sa Quezon City.

Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 si QC Mayor Joy Belmonte.

Sasailalim din sa disinfection ang iba pang mga tanggapan sa City Hall para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng empleyado.

Sa kabila ng anunsyo ni Belmonte na positibo siya sa sakit, tuloy aniya ang serbisyo ng lokal na pamahalaan para sa mga mamamayan ng Quezon City.

Read more...