COVID-19 cases sa Quezon City, halos 4,000 na

Halos 4,000 na ang bilang ng mga nagpositibo sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 3,994 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (July 8).

Sa nasabing bilang, 3,918 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.

3,887 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,377 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

2,262 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 248 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 2,790 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...