Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (July 8), umakyat na sa 3,128 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 1,431 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 480 cases.
Sumunod dito ang Tondo 2 na may 228 aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Samantala, 23 naman ang itinuturing na probable cases sa lungsod at 746 ang suspected cases.
Umabot naman sa 1,532 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 165 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
READ NEXT
BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 50,359 na; Higit 2,500 ang nadagdag
MOST READ
LATEST STORIES