Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 9:00, Miyerkules ng gabi (July 8), umabot na sa 50,359 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 36,457 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,539 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 1,922 ang “fresh cases” habang 617 ang “late cases.”
Nasa lima pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,314 na.
Ayon pa sa DOH, 202 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 12,588 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES