74 pang Filipino sa abroad, nagpositibo sa COVID-19 – DFA

Nasa 74 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 8, umakyat na sa 8,762 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 63 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,935 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

5,237 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, 590 na ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,363 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,028 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 697 naman ang kaso sa Americas at 674 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...