Limang ahas, nakuha sa isang pampublikong pamilihan sa Maynila

Nakumpiska ng Manila City Markets Administration Office (MAO) ang limang cobra sa nakatago sa isang stall sa loob ng New Arranque Market, araw ng Martes (July 7).

Ayon kay MAO Director Zenaida Mapoy, narinig ang tunog ng ahas habang nag-iinspeksyon sa naglilinis ng bakanteng pwesto sa pamilihan.

Nakita aniyang nakasilid ang mga ahas sa bote ng mineral water.

Mapanganib aniya ito dahil posible itong magdulot ng panganib hindi lamang sa mga tindero kundi maging sa publiko.

Dinala na ang mga cobra sa Public Recreations Bureau.

Read more...