Higit 100 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Singapore

Mahigit 100 ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 158 na kaso hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (July 8).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are nine cases in the community, of whom four are Singaporeans and five are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Maliban dito, mayroon ding tatlong imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 45,298 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...